Author Topic: Joey de Leon and Willie Revillame friends again?  (Read 205 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline Berto

  • Full Member
  • *
  • Posts: 138
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Joey de Leon and Willie Revillame friends again?
« on: October 20, 2008, 02:40:15 PM »
Parehong dumalo ang TV hosts at comedians na sina Joey de Leon at Willie Revillame sa kauna-unahang Supreme To The Extreme Award ng Philippine STAR na ginanap kagabi, October 17, sa Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City. Parehong nominado sa magkaibang kategorya sina Joey at Willie.

Bago pa man pumasok sa loob ng Embassy Bar si Willie, tila may ideya na ang Wowowee host na posible silang magkita ng madalas niyang kapatutsadahan na si Joey de Leon, na co-host naman ng katapat niyang programa na Eat Bulaga.

Pero nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Willie, nakahanda na raw siya at welcome sa kanya kung sakali at magkasabay man sila ni Joey sa stage.

True enough, nang tawagin na ang pangalan ni Willie bilang winner sa kategoryang Televisionary Award, buong-ningning niyang ibinahagi ang napanalunang trophy kay Joey. Ang naturang award ay iginagawad sa isang TV personality na naging daan upang mabago at magkaroon ng ibang anyo at buhay ang telebisyon.

Si Joey at that time ay nasa kaliwang bahagi malapit sa stage, kasama ang dalawa niyang anak na sina Jaco at Jocas de Leon. Si Willie naman ay nanggaling sa kanang bahagi ng stage.

Ayon sa thank-you speech ni Willie pagkatanggap nito ng kanyang trophy, "I would like to share this award to a supreme talent, supreme icon, my idol, Mr. Joey de Leon. I share this award [with] you."

Sa puntong ito, tumayo na sa kanyang kinauupuan si Joey at sumenyas kay Willie.

"Tito Joey! Alam n\'yo, lambingan lang naman namin yung sa TV," natatawang sabi ni Willie. "Lambingan lang namin yun. Alam n\'yo, tinulungan ako ng taong ‘yan [noong] nagsisimula pa lang ako. Ako ang sidekick niya sa pelikulang Barbie. Kinuha rin nila ako ni Vic Sotto sa pelikulang Sam and Miguel.

"Akala n\'yo, ganoon lang, nag-aaway kami, hindi ho, yun ay patutsadahan lang, lambingan. Si Mr. Joey de Leon, I admire this guy so much. Maliit pa lang ho ako, nasa telebisyon na siya. Siya ang ginagaya ko. Tito Joey!" sigaw ulit ni Willie kay Joey.

Sa puntong ito, sumigaw si Joey at pabirong sinabi kay Willie na, "Pahinging pera!" at nagpalakpakan ang karamihan at nagtawanan.

Sagot naman ni Willie sa sinabi ni Joey, "Sumama ka sa akin sa yate ko at dalhin mo ang mga babae mo!"

Pero sinenyasan ni Joey si Willie na kasama niya ang dalagang anak na si Jocas.

Sabi ni Willie, "Ah, anak mo! O, lolo ka na! Lolo na ako! Bukas naman purihin mo naman ako sa Eat Bulaga!"

Lalong nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan. Pero dugtong ni Willie habang tumatawa, "Sa Tuesday, banatan mo na ulit ako!"

Sa puntong ito ay umakyat na rin sa stage si Joey at tumabi kay Willie.

Si Tim Yap, na siyang may idea ng naturang awards night, ay masayang-masaya sa nangyaring reconciliation ng dalawang komedyante at TV hosts. "Naku, historical na ‘to! Dito lang nangyari ‘to sa Supreme!" sabi ni Willie.

Pagbaba nina Joey at Willie, pinalibutan na agad sila ng TV crew from different talk shows at maging ng PEP.

"Pasalamat tayo kay Tim at sa Supreme. Tama ang sabi ni Willie, mga tuksuhan lang ‘yan. Kaya lang, yung dalawang co-hosts mo [to Willie], paliwanag muna nila kung bakit nakikiiyak sa ‘yo?" biro ni Joey na ikinatawa ng lahat.

Sagot naman ni Willie, "Alam n\'yo naman kami, artista! Ikaw nga ang nagturo sa akin niyan. Pero alam mo, hindi ba na-suspend ako, pero noong na-suspend ka, nakidalamhati rin ako!"

Hirit ni Joey, "Talaga? O sige, pengeng pera!" na ikinatawa ni Willie.

Dito na nagsalita si Tim at ito na ang nag-initiate ng mas pormal na pagbabati ng dalawa. Sabi ni Tim, "Once and for all, Willie, Joey, shake hands!" na siya namang ginawa ng dalawa.

Pagkatapos nito, tinanong ng PEP sina Joey at Willie kung ano ang masasabi nila sa naganap na pagbabati nilang dalawa.

"Wala! Hindi naman kami nag-aaway nito!" natatawang sabi ni Joey.

Sabi naman ni Willie, "Hindi ko puwedeng labanan ‘yan!"

Bakit ngayon lang nila ipinakitang okey naman pala sila?

"E, ngayon lang naman kami nagkasama in one roof," sagot ni Willie. "At saka, totoo yung sinasabi ko, isang idolo, isang icon, the living legend, Mr. Joey de Leon!"

Parehong sumagot ng "Hindi pa!" ang dalawa when asked kung pagkatapos ba ng pagtatagpo at pagbabati nilang yun ay tapos na rin ng mga patutsada at parunggitan nilang dalawa sa kani-kanilang noontime shows.

"Hindi pa! Magbabanatan pa kaming dalawa!" natatawang sabi ni Joey.

Sa huli, bago bumalik sa kani-kanilang table, hindi napigilan ni Joey na sabihin kay Tim na sa kanila lang nangyari yun. Hirit pa niya sa ilang TV crew ng ABS-CBN at GMA-7, nadaig daw ng Supreme at Embassy ang The Buzz at Startalk.

Proud naman ang Embassy owner na si Tim sa nangyari. "Sabi nila, sa Embassy puro away, that\'s not true! Embassy puro peace! Unity, friendship and love!" bulalas ni Tim. - Philippine Entertainment Portal

[youtube:jbu0df60]gA0U4rIMkIQ[/youtube:jbu0df60]

reference: http://www.gmanews.tv/story/127842/Joey ... ends-again

Techronnati | where technology never sleeps

Joey de Leon and Willie Revillame friends again?
« on: October 20, 2008, 02:40:15 PM »

Mountain View

 

Posting Disclaimer: Any individual may post a message in this forum and may do so anonymously. Therefore, the sole author is exclusively and entirely responsible for all opinions in that message. They do not represent the official opinions of Techronnati, its administrators or moderators or the Techronnati Management. Techronnati is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and is not responsible and will not be held liable for the content of such messages. All images and service logos are trademarks of their respective owners.